Sports – Iginiit ng pamunuan ng Philippine Azkals na hindi sila nagrerecruit ng mga football player na walang lahing Pinoy.
Ito ay matapos mapabalita na isang disi-syete anyos na binatilyo mula sa Senegal ang stranded ngayon sa NAIA 1 matapos maloko at magbayad ng P150,000 para magsagawa ng football clinic sa bansa kasama ang Philippine Azkals.
Ayon kay Dan Palami, team manager ng Azkals, dapat maging maingat ang sinuman, lalo na ang mga banyaga, sa mga ganitong modus.
Dapat alam nila na hindi kumukuha ng dayuhan player ang national team at hindi rin sila nagsasagawa ng mga football clinic ng walang pormal na anunsiyo.
Humingi rin ng tulong si Palami sa mga otoridad na maging mapag-matyag sa ganitong panloloko ng ilang dayuhan na ginagamt ang pangalan ng national team.