Philippine Azkals – ready at excited sa unang sabak sa AFC Asian Cup

Handang-handa na ang Philippine Azkals para sa kanilang pagsabak sa AFC Asian Cup – uae 2019 na gaganapin sa Dubai.

Makakaharap ng Azkals para sa group c ang koponan ng Korea bukas sa Al-Maktoum Stadium.

Nabatid na ito ang kauna-unahang kampanya ng Philippine Team sa AFC Asian Cup.


Dahil dito, umapela ng suporta sa mga Pilipino ang Azkals.

Maaari namang bumili ng tickets sa mismong Al Maktoum Stadium ang mga Pinoy na nasa Dubai.

Kasalukuyang nasa rank 116 ang Azkals sa buong mundo.

Facebook Comments