Philippine Azkals Star James Younghusband, magreretiro na sa football

Pormal nang magreretiro sa paglalaro ng football si Philippine Azkals Star James Younghusband.

Ito ang mismong inanunsiyo ni Younghusband sa kaniyang social media account, pitong buwan matapos tuldukan ng kanyang nakababatang kapatid na si Phil ang karera sa football.

Sa kanyang social media post, labis ang pasasalamat nito sa lahat ng naging bahagi ng kanyang professional career.


Nagsimula ang 14-taong karera sa Pilipinas ni James nang lumahok ito at ang kanyang kapatid sa U-23 national team para sa 2005 Southeast Asian Games.

Naging bahagi rin si James ng Azkals at ang pag-usbong ng football sa bansa noong kampanya ng Pinoy team sa 2010 AFF Suzuki Cup.

Facebook Comments