Philippine Azkals, target ang 3-0 win loss slate kontra Yemen mamayang gabi sa Panaad Stadium sa Bacolod City

Sports – Tatangkain ng Philippine Azkals ang kanilang ikatlong panalo kontra Yemen mamayang gabi sa pagpapatuloy ng A-F-C Asian Cup Qualifiers sa Panaad Stadium sa Bacolod City.

Kasalukuyang nasa unang puwesto ang Azkals sa Group F matapos ang panalo ng mga Pinoy kontra Nepal at Tajikistan para sa six points.

Nasa pangalawa naman ang Yemen na may four points.


Ayon kay Azkals team manager Dan Palami, kung mananalo ang koponan kontra Yemen ay gaganda lalo ang tsansa ng Azkals na makapasok sa tournament proper ng 2019 Asian Cup na gaganapin sa United Arab Emirates.

Facebook Comments