Saturday, March 7, 2026

Philippine Book Festival 2026, aarangkada na ngayong buwan

Ilang araw na lang ay Philippine Book Festival 2026 na! Sa March 12 to 15 na po iyan at gaganapin sa Megatrade Hall, SM Megamall mula 10am to 8pm.

Ano bang meron sa Philippine Book Festival? Hindi po ito ordinaryong book fair. Isa itong pagdiriwang ng produkto ng pagka-malikhain ng mga Filipino author at creator.

All-Filipino books po ang mababasa at mabibili sa PBF bukod pa sa maraming activities at workshops na puwedeng salihan ng buong pamilya at inyong mga kaibigan o kaklase. Markahan na po ang inyong kalendaryo at bumisita na sa Philippine Book Festival sa March 12 hanggang 15 sa Megatrade Hall, SM Megamall.

LIBRE ang entrance. Puwede po kayong mag-pre-register, i-check lang ang Registration Form sa official page ng National Book Development Board o sa kanilang website na philippinebookfest.com.

Kita kits po tayo roon!

Facebook Comments