Philippine Children’s medical center, may free WIFI na

Inilunsad ngayong araw ng Department of Information and Communications Technology ang pagbubukas ng free WIFI access sa loob ng pagamutan.

Pinangunahan mismo ni DICT Secretary Gringo Honasan ang  nasabing programa.

Ayon kay Honasan, alinsunod na rin ito sa  kagustuhan  ni Pangulong Duterte na ang lahat ng kagawaran, ahensiya at mga malalayong lugar ng bansa ay mabigyan ng libreng access sa WIFI para sa mabilis na koneksiyon sa mga transaksiyon sa gobyerno.


Sa pamamagitan nito ay mas mabilis na ang ugnayan ng mga pasyente at doktor sa kanilang pagpapagamot.

Para naman sa mga estudyante,  makatutulong din ito sa kanilang pag-aaral at panananaliksik.

Pinasimulan ang “Free WIFI for all programs” ng gobyerno sa 46 na government hospitals sa bansa.

Facebook Comments