Philippine-Chinese Charitable Association, Inc. At Chinese General Hospital and Medical Center, magbibigay ng serbisyong medikal sa mga tauhan ng PDEA

Magbibigay na ng serbisyong medikal at iba pang health-related services ang Philippine-Chinese Charitable Association, Inc. (PCCAI) at Chinese General Hospital and Medical Center (CGHMC) sa mga opisyal at tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito ay matapos nilagdaan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng PDEA, PCCAI at CGHMC para sa nasabing programa.

Ayon kay PDEA Director Wilkins Villanueva, kasama rin sa kanilang kasunduan ang pagbibigay ng surgery at major operations gayundin ang paggamit ng kanilang medical equipment at facilities sa mga PDEA operatives.


Paliwanag ni Villanueva, sakop ng programa ang lahat ng mga opisyal at tauhan ng PDEA sa lahat ng rehiyon sa bansa na nagtamo ng injuries habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Facebook Comments