MANILA – Inaasahang magbabalik ngayong araw sa Panatag o Scarborough Shoal ang mga barko ng Philippine Coast Guard kasama ang Bureau of fisheries and Aquatic Resources (BFAR).Ito’y matapos silang umalis doon bago pa man tumama ang bagyong Lawin sa bansa.Base sa satellite image ng mula sa Asian Maritame Transparency Iniative, makikitang bantay sarado ng Chinsese Coast Guard ang bukana ng lagoon ng Panatag Shoal.Ayon kay PCG Spokesman Commander Armando Balilo, pumapatrolya pa rin ang kanilang mga tauhan sa lugar pero hindi lang sila lumalapit para hindi pagmulan ng tensyon.Para naman kay National Security Adviser at pinuno ng Task Force West Philippine Sea, Hermogenes Esperon, patuloy pa rin ang pagpunta ng kanilang mga tauhan sa Panatag Shoal bagamat hindi ito nailalathala sa mga pahayagan o naibabalita.Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, wala silang katiyakan kung kailan pa makakalapit sa Panatag Shoal ang mga mangingisdang Pinoy.Bagama’t walang pormal na kasunduan, Pananaw ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, na ito’y bukas sa kalooban ng China na makapangisda muli sa Panatag Shoal ang mga Pilipino.
Philippine Coast Guard, Balik-Patrolya Sa Panatag Shoal Ngayong Araw
Facebook Comments