Manila, Philippines – Ilang araw bago ang paggunita ng Semana Santa,
naghahanda na ngayon ang Philippine Coast Guard.
Ayon kay PCG officer-in-charge Commodore Joel Garcia – inatasan na niya ang
kanyang mga tauhan na magpatupad ng maximum security measures sa lahat ng
pantalan sa buong bansa.
Pinaghahanda din ang mga PCG personnel na maghanda sa maritime emergencies
o anumang uri ng sitwasyon.
Nabatid na ipatutupad ang alert status ng PCG mula Abril 5 hanggang 20.
May itatayong Passengers’ Assistance Center (PAC) booths ang pcg sa lahat
ng pier sa buong bansa at manaduhan ng PCG personnel katuwang ang nga
tauhan mula sa Department of Transportation, Philippine Ports Authority
(PPA), Maritime Industry Authority (MARINA) at Philippine National Police.