Handang-handa na ang lahat ng units ng Philippine Coast Guard o PCG para sa kanilang “Operation Undas.”
Ngayong araw ng Lunes, nag-sagawa ng send-off ceremony ang PCG para sa kanilang mga personnel na ide-deploy para sa undas kung saan pinangunahan ito ni Commandant Vice Admiral Joel Garcia sa national headquarters ng PCG sa Maynila.
Ayon kay Garcia, ang mga ide-deploy ay mga tauhan ng PCG bomb squad, medical units na kinabibilangan ng mga doktor at nurses, divers ng Special Operations Group, at mga K-9 units.
Mayroon ding sea marshalls na sasakay mismo sa mga sasakyang-pandagat na magbabantay at magsisilbing monitoring team ng PCG.
I-giniit naman ni Garcia na mahigpit na ipatutupad ang MARINA Circular ukol sa disenyo ng wooden-hulled motorized bancas, para sa kaligtasan ng mga biyahero.
I-pinagbabawal din ang overloading at overcrowding sa mga sasakyang-pandagat kung saan wala naman namo-monitor na banta sa seguridad sa lahat ng pantalan.
Noong Sabado, nauna nang i-dineklara ng PCG ang red alert sa buong bans a hanggang November 5, sa panahong nakauwi na ang mga biyahero.
Sakali naman magkaron ng emergency lalo na sa mga pantalan, maaaring makipag-ugnayan ang publiko sa PCG sa numerong 09177243682.