Nakahanda na ang lahat ng mga kagamitan ng Philippine Coast Guard (PCG) North Western Luzon upang magbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Marce.
Ayon kay PCG Admiral Ronnie Gil Gavan, nasa heightened alert ngayon ang lahat ng district station at substation sa North Western Luzon.
Dahil dito, kanselado ang lahat ng leave at day off ng mga tauhan ng PCG upang matutukan ang pagtulong sa mga naapektuhan na mga residente.
Naka-pwesto na rin ang mga kagamitan ng Coast Guard tulad ng mga barko, rubber boat, chopper, at iba pa para sa mas mabilis na pagtugon.
Mino-monitor na rin ng PCG ang sitwasyon sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Marce habang pinapaalalahanan ang lahat na maging ligtas anumang oras.
Facebook Comments