Philippine Coast Guard, kinumpirmang wala nang “missing” sa nasunog na fast craft vessel sa Quezon Province

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na all accounted na ang lahat ng pasahero at crew ng nasunog na fast craft vessel sa Real, Quezon Province.

Ito ay kinabibilangan ng 126 pasahero at 8 crew members ng MV Mercraft 2.

Ayon sa Coast Guard, 103 sa mga na-rescue ay hindi naman injured habang 24 ang injured.


7 naman ang mga namatay pero sa ngayon ay wala nang missing.

Maswerte namang mabilis na nakapagresponde agad ang 2 RoRo vessels at 4 motorbancas na nakatulong ng PCG sa search and rescue operations.

Ang MV Triple Kent naman ang humatak sa nasunog na fast craft vessel patungo sa Baluti Island, Barangay Cawayan, Real, Quezon Province.

Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na nagsimula ang sunog sa engine room ng vessel.

Kinilala naman ang mga nasawi sa trahedya na sina:

1. Viola Impreso, F, 47, Real
2. Marivic Samareta, F, 61, Polillo
3. Edna Balanac, F, 64, Polillo
4. Mina Enciso, F, 57, Mabitac,
5. Charito Escareces, F, 57, Real
6. Crisanto Debelles, M, 51, Polillo
7. Andy Tejares, M, 54, Sta. Mesa

Facebook Comments