Target ng Philippine Coast Guard (PCG) na magdadagdag ng 4,000 tauhan bago matapos ang 2023.
Ayon kay PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela, inaasahang aakyat sa 30,000 ang kabuuang pwersa ng PCG mula sa kasalukuyang 26,000.
Sa kabila nito, sinabi ni Tarriela na kailangan din nila ng isang response base at berthing spaces o espasyong pagdadaungan ng kanilang mga barko.
Kaya sinabi ng opisyal na handa ang PCG na tumanggap ng karadagang pondo mula sa gobyerno.
Samantala, welcome din sa PCG ang posibilidad na magkasa ng joint maritime patrols kasama ang US Coast Guard.
Facebook Comments