Mahigpit na pagbabantay ang ginagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay sa Kapistahan ng Itim na Poong Nazareno ngayong araw.
Maliban sa paglilibot ng mga K9 teams sa Quirino Grandstand, nagpapatrolya rin ang mga Coast Guard sa Ilog Pasig.
Nagpakalat ng floating assets sa katubigang sakop ng MacArthur Bridge, Jones Bridge, Ayala Bridge at Quezon Bridge.
Ito ay para masigurong magiging matiwasay at matagumpay ang mga aktibibad ng simbahang Katoliko kaugnay ng Pista ng Itim na Nazareno.
Bukod dito, mino-monitor din ng PCG ang mga tulay kasabay ng pagtulong sa pagbabantay sa ilang mga isinarang kalsada.
Una nang idineploy ng PCG ang humigit-kumulang 100 Coast Guard Malacañang personnel para tumulong mag-monitor at magbantay sa mga kritikal na lugar at katubigan sa Maynila.