Philippine Coast Guard, may nakitang barko ng China sa Bajo De Masinloc

Scarborough Shoal – Ipinakita sa mga kuhang larawan ng aerial inspection ang Philippine Coast Guard ba hindi pa rin umaalis ang mga barko ng Coast Guard ng China sa Scarborough Shoal.

Kabilang sa namataan ay apat na Coast Guard Vessel ng China.

Dalawa rito ay namataan sa bungad ng Bako de Masinloc, ang China vessel 3064 at 3063, habang ang 3308 at 3412 ay nasa layong tatlo hanggang limang nautical miles hilaga hilagang kanluran ng Bajo De Masinloc.


Namataan naman na nasa tatlo hanggang limang nautical miles ang dalawang asul at puting barko sa hilaga hilagang kanlurang bahagi ng Bajo De Masinloc.

Habang ang dalawang bangkang pangisda ng mga Filipino na may tatak na Christopher at Hanaida ay nasa layong tatlong nautical miles sa hilaga hilagang kanluran.

Isang wooden hull vessel din ang namataan ng PCG, walong nautical miles sa silangan ng Bajo de Masinloc.

Tungkulim ng Coast Guard na bantayan ang Scarborough pero walang pagkilos para itaboy ang mga Chinese vessel.

Ayon sa PCG, malayang nakakapangisda ang mga Pinoy sa Scarborough Shoal at wala rin namonitor na panghaharass ng mga Chinese Coastguard sa mga mangingisdang Pinoy.

Facebook Comments