Philippine Coast Guard, may paalala sa mga pasahero bago sumakay ng barko

Nagpaalala ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga sasakay ng barko ngayong holiday season.

Sa abiso ng PCG, nasa 50% lamang na kapasidad sa mga pampasaherong barko ang pinahihintulutan makasay ngayong may COVID-19.

Pero ayon kay PCG Spokesman Commodore Armand Balilo, kakaunti lamang ang kanilang naitatalang umuuwi ng probinsya ngayong Kapaskuhan.


Kaugnay nito, nagpaalala si Balilo sa mga uuwi ng probinsya na huwag kalimutan na may requirements na kailangan sa pagsakay sa barko tulad ng negative results ng RT-PCR test at travel authorization.

Samantala, pinalalahanan ni PCG Commandant Admiral George V Ursabia Jr. ang mga bago nilang trainees sa ilalim ng Coast Guard Officer’s Course (CGOC) na palaging mapagkumbaba sa lahat ng oras lalo na kung matapos na ang kanilang pagsasanay.

Sinabi ni Ursabia, ang paalala sa pagsisimula ng kanilang training sa Coast Guard Regional Training Center sa Bagac, Bataan kung saan iginiit nito na ang mga public servant na tulad nila ay hindi arogante at mapang-abuso.

Aniya, sakaling maging ganap na miyembro na sila ng Coast Guard, palagi dapat isipin ang kapakanan ng publiko, tulungan sila sa abot ng makakaya at unawain ang kanilang sitwasyon.

Facebook Comments