Philippine Coast Guard, nagsasagawa na ng aerial search sa nawawalang 15 mangingisda sa Philippine Rise

Pinaigting na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang search and rescue efforts sa nawawalang 15 mangingisda sa kasagsagan ng Bagyong Enteng.

Ang FBCA Zshan ay pinaniniwalaang napadpad sa malayong lugar dahil sa masungit na panahon sa kasagsagan ng bagyo.

Nagsasagawa na ng aerial search ang PCG sa bisinidad ng Palanan, Isabela, gayundin sa Northern part ng Quezon at Northeastern Luzon.


Nag-deploy na rin ang Philippine Air Force (PAF) Tactical Operations Group 4 ng multi-purpose helicopter para tumulong sa aerial survey.

Facebook Comments