Philippine Coast Guard, naka-alerto na rin sa pagdagsa ng mga lokal na turista sa tourist destinations sa bansa

Naka-alerto na rin ang Philippine Coast Guard sa pagdagsa sa mga pantalan ng mga lokal na turistang magpa-Pasko sa tourist destinations sa bansa.

Partikular ang local tourists na fully vaccinated lalo na’t humupa na ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Sa ngayon, 892 frontline personnel ng Coast Guard ang naka-deploy sa 15 PCG Districts sa buong bansa.


Mananatiling naka-heightened alert hanggang January 5,2022 ang lahat ng districts, stations, at sub-stations ng Coast Guard.

Pinaalalahanan naman ng PCG ang mga biyahero na alamin ang ordinansa o protocols sa kanilang pupuntahang destinasyon.

Facebook Comments