Naka-alerto na ang Philippine Coast Guard sa posibleng epekto ng Bagyong Quinta sa Bicol Region.
Partikular na inihanda ng Coast Guard Headquarters sa Bicol ang mga kagamitan ng Deployable Response Group (DRG) na tumutulong sa lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng evacuation at rescue operation.
Nakabantay rin ang mga PCG personnel sa mga pantalan sa rehiyon para maiwasan ang anumang insidente sa karagatan kapag may masamang panahon.
Sa ngayon, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Catanduanes.
Facebook Comments