Manila, Philippines – Nakaalerto na ang Philippine Coast Guard parasa paggunita ng semana santa.
Ayon kay PCG Officer-In-ChargeCommodore Joel Garcia, inatasan na niya ang kanyang mga tauhan na magpatupad ngmaximum security measures sa lahat ng pantalan sa buong bansa.
Aniya, ipatutupad angalert status mula abril 5 hanggang 20.
Maliban rito, sinigurorin ni Garcia na handa ang kaniyang mga tauhan sa maritime emergencies oanumang uri ng sitwasyon.
Payo naman ni Garcia samga pasahero na magpunta ng maaga o tatlong oras bago ang nakatakdang biyahepara hindi na mahirapan sa ipinatutupad na seguridad.
Nabatid na may itatayongPassengers Assistance Center (PAC) booths ang PCG sa lahat ng pier sa buongbansa at magiging katuwang nila ang mga tauhan ng Department of Transportation,Philippine Ports Authority (PPA), Maritime Industry Authority (MARINA) at PhilippineNational Police.