Nakaalerto na ang Philippine Coast Guard (PCG) District sa Northeastern Mindanao sa kasagsagan ng malawakang pag-ulan sa CARAGA region.
Dahil dito, nakahanda ang mga Coast Guard deployable response group (DRG) para agad na makatulong sa mga lokal na pamahalaan.
Partikular sa paglikas o pag-rescue sa mga residente o pamilyang maaapektuhan ng sama ng panahon.
Maliban sa pagbaha, nakaalerto ang PCG sa posibleng landslide sa rehiyon.
Patuloy rin naka-monitor ang Coast Guard sa iba pang komunindad sa CARAGA Region kung saan nararanasan ang malakas na pag-uulan bunsod ng low-pressure area (LPA).
Facebook Comments