Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) na walang bumagsak na private plane sa karagatan sakop ng Bayan ng San Agustin, Romblon kahapon ng umaga.
Ayon kay PCG Spokesman Commander Arman Balilo, agad na inabisuhan nito ang PCG Region 4B para beripikahin ang napaulat na mayroon umanong private plane ang bumagsak sa karagatang bahagi ng Romblon.
Una nang napaulat kay PNP Region 4-B Public Information Officer P/Supt. Imelda Vasquez Tolentino na pasado alas onse kahapon ng umaga nang mag-crash umano ang naturang eroplano sa pagitan ng Barangay Agbayi at Barangay Tinunggaan sakop ng bayan ng San Agustin kung saan inimbestigahan na rin ng mga tauhan ng San Agustin Police at Tablas Airport ang naturang aksidente.
Nagsagawa pa ng ng search and rescue operation sa lugar kung saan bumagsak ang eroplano pero agad na itinigil ang naturang operation kagabi.
Giit ni Balilo na posibleng drone ang bumagsak dahil dati nang mayroon kahalintulad na insidente na isang eroplano ang bumagsak pero napatunayan na isa pala itong drone ng Amerika.
Gayunpaman, iniimbestigahan pa rin ng PCG at nakipag-ugnayan na rin sila sa CAAP kung saan niinaw nito na walang bumagsak na eroplano.