Philippine Coast Guard, pagtutuunan ng pansin ang pagbibigay seguridad sa magaganap na ASEAN summit

Manila, Philippines – Bilang bahagi ng kampanya kontra terorismo, tututukan ngayon ng Philippine Guard Guard ang pagbibigay seguridad sa magaganap na ASEAN Summit sa bansa.

Ayon kay PCG Spokesman Arman Balilo sa ikatlong linggo ng Nobyembre hindi na babaguhin ang mataas na antas na alerto upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan sa panahon ng ASEAN Summit.

Paliwanag ni Balilo, bukod sa pagpapatrolya ng kanilang mga floating assets sa Manila Bay, magpapatupad ng 500 meters na “NO SAIL ZONE” mula sa pagbabawal ng anumang paglalayag ng ibang bangka ng walang kinalaman sa ASEAN.


Giit ni Balilo, gagamitin ng Coast Guard ang kanilang mga rescue vessel at multi role response vessel bukod sa kanilang mga aluminum at rubber boats katuwang ang Anti Terrorism Unit, Special Operations Group kung saan makakasama rin nila ang Presidential Security Group.

Facebook Comments