Philippine Coast Guard, patuloy ang paghahanap sa anim na minerong na-trap sa gumuhong minahan sa Toledo City, Cebu

Patuloy ang Philippine Coast Guard (PCG) sa paghahanap sa anim pang minero na na-trap kasunod ng pagguho sa isang minahan sa Toledo City, Cebu noon pang December 21, 2020.

Base sa pinakahuling tala ng lokal na pamahalaan ng Toledo City, apat na minero na ang binawian ng buhay kasunod ng pagguho sa nasabing minahan.

Nakilala ang mga nasawing minero na sina Junil Lagola, Ernesto Caspe, Juan Tapang at Dionisio Labang.


Noong Linggo, December 27, 2020, tumulong na rin ang PCG sa mabilis at ligtas na paglikas ng 400 na pamilya na nakatira malapit sa minahan.

Ito’y para masigurong hindi na madagdagan pa ang mga biktima ng nangyaring insidente.

Nabatid na ang sunod-sunod na pag-ulan ang sinasabing dahilan kumg bakit gumuho ang minahan.

Samantala, mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-6:00 ng umaga kanina, higit 2,000 pasahero ang naitala ng PCG na bumiyahe sa mga pantalan sa buong bansa.

Sa datos ng PCG, 1,483 ang outbound at 917 ang inbound passengers habang 116 ang vessel at 19 na motorbanca ang kanilang nainspeksyon kung saan 1,429 na personnel ang idineploy ng Coast Guard.

Facebook Comments