Patuloy na binabantayan ng Philippine Coast Guard at Philippine Ports Authority ang lugar kung nasaan ang MV Emerald sa baybayin ng Brgy. Lagadlarin, Lobo, Batangas.
Sa impormasyon nakuha ni Captain Armand Balilo, tagapagsalita ng coast guard, hindi malayong masira o kaladkarin ng angkla ng MV Emerald ang mga coral reef sa lugar na tirahan ng marine life at pinagkukunan ng huli ng mga mangingisda ng lobo.
Sa datos na ipinarating sa National Coast Watch System, may kaukulang dokumento na para sa dredgging vessel na MV Emerald may special permit para sa paggamit at may kumpletong dokumento ang mga tripulante na Chinese at Indonesian Nationals .
Batay naman sa environmental compliance certificate mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang MV Emerald ay syang kinumisyon upang gamitin ang halos pitong kilometrong ilog ng lobo at sakop nito ang Barangay Fabrica , Lagadlarin, Olo-Olo, Poblacion, Tayuman,Mabilog na Bundok at Nagtalongtong .
Matatandaan na naalarma ang ilang residente sa lugar bunsod ng pangamba sa kabuhayan ng mga mangingsda sa pagdaong ng isang dredging vsssel na ang mga sakay ay pawang mga dayuhan.