MANILA – Magdadagdag ng tauhan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Scarborough o Panatag Shoal.Ito ay matapos palakasin ng China ang kanilang presensya sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.Aminado ang Department of National Defense (DND) na dumarami ang natatanggap nilang mga sumbong kaugnay sa madalas na pagtaboy ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pinoy sa Panatag Shoal.Ang Scarborough Shoal ay 260 kilomenters lamang ang layo mula sa Infanta Pangasinan na pasok sa Exclusive Economic Zone ng bansa.Sinabi ni DND Spokesman Peter Galvez na mula sa dating dalawa ngayon ay limang mga barko na ng China ang regular na nagbabantay sa lugar.Nauna dito, iniulat na nakipag-batuhan sa mga barko ng Chinese Coast Guard ang ilang mga mangingisda makaraan silang itaboy ng mga ito.Pati ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay nagpahayag na rin ng pagkabahala makaraan nilang mamonitor ang pagpasok ng mga Chinese poachers sa Panatag Shoal.
Philippine Coast Guard (Pcg), Magdagdag Ng Tauhan Sa Panatag Shoal Dahil Sa Patuloy Na Pambu-Bully Ng China Sa Mga Mangi
Facebook Comments