Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga uuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) sa mga susunod na araw, na wala silang dapat ipangamba sa repatriation process sa kanilang pag-uwi ng bansa ngayong panahon ng pandemya.
Nangako ang PCG, katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno, na pabibilisin nila ang kanilang serbisyo para matiyak na makakasama ng OFWs ang kanilang pamilya sa pagdiriwang ng kapaskuhan.
At dahil nagpapatuloy pa rin ang banta ng COVID-19, tiniyak ng PCG frontline personnel ang pagtaguyod sa kalusugan ng OFWs para sa ligtas na pagdiriwang kapaskuhan.
Ayon sa PCG, simula sa paglapag ng eroplano hanggang sa pag-checkout sa quarantine hotel ay puspusan ang kanilang pagbabantay sa OFWs partikular sa pagpapatupad ng safety protocol.
Pinakamabilis na resulta ng swab test sa OFWs ay 24 hours sa tulong na rin ng Philippine Red Cross.