Philippine Coast Guard, tinututukan ang mga nagsisibalikang bakasyunista

Manila, Philippines – Pinagtutuunan ngayon ng pansin ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga nagsisibalikang bakasyunista mula sa paggunita ng Undas sa kani-kanilang mga probinsiya.

Sa tala ng PCG Action Center, kaninang umaga umabot sa bilang na 17,621 ang inbound passengers kung saan pinakamalaki rito ang Western Visayas na 4,897, Central Visayas 3,283, Eastern Visayas 2,838, South Eastern Mindanao 2 libo, Southern Tagalog 1,867, South Western Mindanao 1,376, Northern Mindanao 959 at 400 sa Bicol Region.

Ayon kay Capt. Raul Belesario, Commander ng Coast Guard Station Batangas, dahil sa lumayo na ang bagyo ay balik na sa biyahe ang mga sasakyang pandagat mula sa Batangas Port, patungo ng Mindoro at iba pang probinsiya.


Ayon naman kay PCG Spokesman Capt. Armand Balilo, bukod sa epekto ng bagyong Ramil sa paglalayag at kaligtasan ng ating kababayan lalu pa nilang hinigpitan ang seguridad dahil sa nalalapit sa ASEAN Summit na isasagawa sa bansa.

Facebook Comments