Philippine Coast Guard, US Coast Guard at Japan Coast Guard, magsasagawa ng Maritime Exercises

Courtesy: Philippine Coast Guard | Facebook page

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasagawa ng trilateral maritime exercise ang Philippine Coast Guard (PCG), US Coast Guard (USCG) at ang Japan Coast Guard (JCG).

Ang isang linggong maritime exercise ay magsisimula sa June 1 hanggang 7 na isasagawa sa karagatang sakop ng Mariveles, Bataan.

Sa naturang maritime exercise idi-deploy ng PCG ang BRP Melchora Aquino, BRP Gabriela Silang, BRP Boracay at ang isang 44-meter multi-role response vessel habang ang US Coast Guard naman ay gagamit ng USCGC Stratton kung saan ang Japan Coast Guard ay isasabak ang narko nila na Akitsushima.


Nabatid na ang ikakasang trilateral maritime exercise ay layunin na mapalakas ang operasyon ng mga nasabing ahensiya gaya ng communicatiom exercises, maneuvering drills, photo exercises, implementasyon ng batas karagatan, search and rescue (SAR) at passing exercises.

Inaasahan din na mapapalalas pa ng trilateral exercise ang maritime cooperation at pagkakaintindihan ng tatlong bansa.

Facebook Comments