Philippine Coconut Authority, bibigyan ng sapat na pondo ni PBBM para sa coconut tree planting program nito

Suportado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang target ng bansa na maging number 1 exporter ng niyog sa mundo.

Ayon sa pangulo, titiyakin niyang may sapat na pondo ang Philippine Coconut Authority (PCA) para sa ilulunsad nitong malawakang coconut tree planting program.

Ito ay dahil may nakikita aniya siyang pag-asa at oportunidad sa merkado ng pagniniyog kung saan bawat piraso ay may paggagamitan at maaaring maibenta.


Ngayong 2024, target ng Philippine Coconut Authority (PCA) na makapag-replant ng may 8.5 million coconut seedlings sa may 59,744 na ektarya ng lupain.

Ang Pilipinas ang pumapangalawa lamang sa Indonesia bilang biggest coconut exporting country sa buong mundo.

Facebook Comments