Philippine Coffee Expo 2023, tinalakay ang patuloy na lumalago na industriya ng kape sa bansa

Sinimulan na nga ngayong araw ang Philippine Coffee Expo 2023: Celebrating Philippine Coffee: Brewing the future” kung saan nagsama-sama ang iba’t ibang mga produkto ng mga local farmers sa ipinagmamalaking kape sa bansa.

Matatandaan na lumalakas na ang produkto ng kape sa bansa at patuloy na lumalago ang sektor nito kasama ng iba’t ibang stakeholder mula sa magsasaka hanggang sa proccesor, retailer at mga consumer.

Ayon kay Ron Yu, ang executive director ng Philippine Coffee Guild, ang highlight ng selebrasyon na ito ay para maipakita hindi lamang sa Pilipinas maging sa international man ang lumalagong sistema sa merkado ng kape sa bansa.


Samantala, nasa 100 mga organisasyon naman na gumagawa ang kape ang makikilahok para sa Philippine Coffee Quality Competition (PCQC) na kikilalanin naman sa mga nangungunang producer ng bansa.

Facebook Comments