PHILIPPINE COLLEGIATE CHAMPIONS LEAGUE | Lyceum Pirates, nasungkit ang kampeonato

PCCL – Nasungkit ng Lyceum Pirates ang kanilang kauna-unahang kampeonato sa Philippine Collegiate Champions League (PCCL).

Mistulang naging rematch ang laro kung saan tinalo ng Lyceum ang San Beda Red Lions sa score na 70-66.

Nanguna sa Pirates sina Jaycee Marcelino na may 19-points at Mike Nzeusseu na may 16-points at 11-rebounds.


Ikinatuwa naman ni Pirates Coach Topex Robinson ang naging performance ng kaniyang koponan at umaasa siya na ang pagka-panalo sa PCCL ang siyang magiging inspirasyon ng kaniyang mga players sa susunod na season ng NCAA.

Facebook Comments