Monday, February 23, 2026

Philippine Consulate General sa Hong Kong, may babala sa mga ‘pasabay’ na bagahe

Nagbabala ang Philippine Consulate General sa Hong Kong sa mga Pilipinong tutungo doon na huwag magdadala ng mga bagaheng padala.

Ito ay lalo na kung may kapalit itong bayad o libreng ticket sa eroplano.

Layon nito na hindi sila mapahamak sa pagdadala ng bagahe na hindi nila alam na iligal na droga pala ang laman.

Nagpaalala ang Konsulada ng Pilipinas sa mga Pinoy na tutungo ng Hong Kong na tiyakin na sila ang nag-impake ng kanilang mga bagahe.

Hindi naman tinukoy ng Philippine Consulate kung may kaugnayan ang kanilang babala sa posibleng panibagong kaso ng Pinoy na nahulihan ng droga sa Hong Kong dahil sa pagbitbit ng padalang bagahe.

Facebook Comments