Philippine Consulate General sa Hong Kong, naglabas ng urgent appeal sa harap ng patuloy na pagtaas ng COVID cases doon

Naglabas ng urgent appeal sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong ang konsulada ng Pilipinas doon.

Sa harap ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon.

Pinapayuhan ng Philippine Consulate General ang mga Pinoy doon na makiisa sa health protocols ng Hong Kong partikular ang social distancing.


Ito ay para mapigilan na ang pagkalat pa ng infection sa mga komunidad.

Sa ngayon kasi patuloy na nakakapagtala ng Hong Kong ng mahigit 3,000 kaso ng COVID-19 kada araw.

Facebook Comments