Philippine Consulate General sa Hong Kong, patuloy ang on-the-ground operations matapos ang malaking sunog sa Tai Po

Patuloy ang on-the-ground operations ng Philippine Consulate General (PCG) sa Hong Kong para matunton ang iba pang mga Pilipinong biktima ng malaking sunog sa residential complex sa Tai Po.

Kinumpirma naman ng Konsulada ng Pilipinas na may isang Pinoy na nasugatan sa sunog at may isa ring nawawala.

Sa ngayon, 24 na Overseas Filipino Workers (OFWs) na ang natunton ng Philippine Consulate.

Umapela naman ang Philippine Consulate sa Filipino community sa Hong Kong na ipagbigay-alam sa kanila sakaling alam nila ang lokasyon ng iba pang OFWs na naapektuhan ng sunog.

Facebook Comments