Philippine Consulate General sa Los Angeles, California, tiniyak na tutulungan ang mga Pinoy na nawalan ng mga dokumento sa wildfires

Tiniyak ng Philippine Consulate General sa Los Angeles, California na tutulungan nila ang mga Pilipino na nasunugan ng mga dokumento sa wildfires sa nasabing lugar.

Partikular ang mga Pinoy na nawalan ng identification at travel documents dahil sa wildfires.

Kabilang sa serbisyong ipagkakaloob ng Konsulada ng Pilipinas ang pagbibigay ng bagong Passport o ano mang Travel Document, gayundin ang Consular Notarization at Assistance to Nationals.


Nilinaw ng Philippine Consulate General na hindi na kailangan ng appointment para maka-avail ng kanilang Consular services.

Una nang tiniyak ni Philippine Consul General Adelio Angelito Cruz na nakahanda rin silang tulungan ang mga undocumented na Pinoy sa Los Angeles na nawalan ng trabaho.

Kabilang dito ang Pinoy caregivers na stay-in sa natupok na bahay ng kanilang employers.

Kasama sa alok ng Konsulada ng Pilipinas ang tulong para maka-uwi sila ng Pilipinas at makahanap ng trabaho sa ating bansa.

Facebook Comments