Philippine Consulate General sa San Francisco, nagpaalala kaugnay ng Indian nationals na sakop ng visa free sa Pilipinas

Nagpaalala ang Philippine Consulate General sa San Francisco, California hinggil sa nirebisang visa policies para sa Indian nationals na papasok ng Pilipinas.

Sa abiso ng Konsulada ng Pilipinas, partikular na sakop ng visa free ang Indian nationals na holder ng valid American, Japanese, Australian, Canadian, Schengen, Singapore, o United Kingdom (AJACSSUK) visa.

Gayundin, ang may permanent residence permit na Indian nationals mula sa naturang mga bansa.

Sila ay maaaring manatili sa Pilipinas sa loob ng 30 araw.

Kung lalagpas naman ng 30 days sa Pilipinas, sila ay kailangang mag-apply ng visa sa Philippine Foreign Service Post kung saan sila nakatira.

Facebook Comments