Tiniyak ng Konsulada ng Pilipinas sa Calgary, Canada na nasa maayos na kundisyon ang vote counting machines na gagamitin sa pagsisimula ng overseas absentee voting bukas.
Ito ay matapos ang matagumpay na final testing at sealing sa naturang mga makina.
Ayon sa Philippine Consulate, nasa maaayos din na kundisyon ang SD Cards at test ballots.
Sa ngayon, mahigit 16,000 ang mga Pinoy na inaasahang lalahok sa overseas absentee voting sa Calgary pa lamang.
Magtatapos ang overseas absente voting sa May 9, araw ng halalan sa Pilipinas.
Facebook Comments