Manila, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Consulate General sa Geneva, sa Filipino community organizations sa Cantons Geneva at Vaud, Switzerland.
Ito ay para bumuo ng task force na magbibigay ng impormasyon sa mga undocumented Filipinos na kwalipikado para sa legal residency.
Ito ay matapos magbukas ng oportunidad para sa legal residency ang pamahalaan ng SWITZERLAND para sa Undocumented migrants sa Canton Geneva.
Ito ay sa ilalim ng “Operation Papyrus” na binuksang Swiss govt para sa undocumented migrants kabilang na ang mga Pinoy sa Cantonat Vaud.
Ang kailangan lamang ay sampung taon nang naninirahan sa Geneva ang aplikante , may A2 level French proficiency, at may kapasidad na suportahanang kanyang sarili.
Sa sandaling mabigyan ng legal residency permit ang undocumented migrant , maaari na siyang ligal na magtrabaho at manitahan doon.
Ang “Operation Papyrus” ay ipatutupad ngayong taon hanggang sa taong 2019.
Sa ngayon-1,697 ang undocumented Filipino migrants sa Cantons Geneva at Vaud.
Philippine Consulate sa Geneva, bubuo ng task force para sa undocumented Filipinos
Facebook Comments