Philippine Consulate sa Guam, may ugnayan na sa mga otoridad para sa posibleng evacuation kaugnay sa missile threat ng NoKor

Manila, Philippines – Mayroon nang ugnayan ang Philippine Consulate sa Guam, sa mga otoridad doon sakaling matuloy ang banta ng North Korea na pagpapakawala ng missile sa Guam.

Ayon kay Foreign Affairs spokesman Robespierre Bolivar,mahigpit ang ugnayan ng konsulada , sa Guam authorities lalo na kapag kinailangan ang evacuation sa mga Pilipino doon.

Maging ang US authorities aniya ay tutulong din sa mga dayuhan sa Guam sakaling ituloy ng North Korea ang pagpapakawala ng missile.


Sinabi ni Asec. Bolivar na sa ilalim ng pina-iiral na alert level 1 sa Guam, ang Philippine.
Consulate ay may mahigpit na ugnayan sa Guam emergency management authorities.

Regular din aniya ang pagbibigay ng update sa Filipino community hinggil sa ano mang developments bilang bahagi ng contingency plans.

Nilinaw naman ni Bolivar na sa ngayon ay nananatiling normal ang sitwasyon sa Guam.

Facebook Comments