Philippine Consulate sa Hong Kong, may paalala sa OFWs sa pagpo-post sa social media ng mga mahahalay na larawan o video

Nagpaalala sa mga Pilipino sa Hong Kong ang Konsulada ng Pilipinas na huwag magpaskil ng mga mahahalay o malalaswang larawan o video sa social media platfoms.

Ayon sa Philippine Consulate, ang paglalathala ng mga malalaswa o mahahalay na larawan o video ay mabigat na krimen sa Hong Kong.

Batay anila sa Control of Obscene and Indecent Articles Ordinance (COIAO), ang sino mang lalabag sa naturang batas ay mahaharap sa pinakamataas na parusa na pagkakakulong ng hindi hihigit sa tatlong (3) taon at multang isang milyon Hong Kong dollars (HK$1,000,000.00).


Nananawagan din sa Filipino community ang Philippine Consulate na sumunod sa mga batas ng Hong Kong para maiwasang mahabla sa korte at mapatawan ng kaukulang parusa.

Facebook Comments