Philippine Consulate sa Hong Kong, nagbabala sa mga Pinoy sa pagpo-post sa social media ng malalaswang larawan o videos

Nagbabala ang Philippine Consulate General sa Hong Kong sa Overseas Filipino Workers (OFWs) doon na iwasan ang pagpo-post sa social media ng mga malalaswang larawan at videos.

Ayon sa Konsulada ng Pilipinas, itinuturing itong serious offence sa Hong Kong.

May katapat din itong parusang tatlong taong pagkakakulong at multang 1 million Hong Kong dollars.


Pinaaalalahanan ng Philippine Consulate General ang mga Pinoy roon na tumalima sa nasabing regulasyon upang maiwasang makastigo ng batas.

Facebook Comments