Tiniyak ng Philippine Consulate sa Hong Kong na hindi makakaapekto sa pagsisimula ng overseas absentee voting doon ang nangyaring ikalimang wave ng COVID-19 doon.
Ito ay bagama’t naantala ang briefing ng konsulada sa mga Pilipino kaugnay ng sisimulang botohan sa darating na linggo, April 10.
Sa ginawang briefing ng Philippine Consulate na dinaluhan ng iba’t ibang overseas Filipino workers organizations, media representatives at Filipino residents, tinuruan ang mga Pinoy ng proseso sa idaraos na halalan.
Tiniyak naman ng konsulada na mahigpit na paiiralin sa botohan ang health protocols kung saan isa-isang botante lamang ang papasukin sa polling precinct.
Gaganapin ang overseas absentee voting sa Hong Kong sa Bayanihan Centre sa Kennedy Town.
Facebook Comments