Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Egypt na stranded na rin ang nga tauhan ng Philippine Consulate sa Khartoum sa harap ng patuloy na sagupaan sa Sudan.
Ayon sa Embahada, dahil sa tindi ng kaguluhan sa Sudan ay hindi na rin makalabas para magbigay ng ayuda sa mga Pilipino ang mga tauhan ng Konsulada ng Pilipinas.
Bagama’t may mga anunsyo na anila hinggil sa tigil-putukan, nananatili anilang matindi ang putukan at bombahan doon.
Kinumpirma rin ng Philippine Embassy na sarado pa rin ang mga airport sa Sudan.
Bunga nito, sinabi ng embahada na walang ligtas na option ngayon para sa air evacuation sa mga Pinoy sa Sudan.
Pinapayuhan naman ng Philippine Embassy ang mga Pinoy sa Sudan na iwasang lumabas ng kanilang shelter, iwasang manatili sa mga bintana at rooftop at kung maaari ay manatili sa pinakamababang level ng kanilang tirahan.