MANILA – Obligasyon ng Embahada ng Pilipinas na gawan ng paraan para mai-uwi ang labi ng nasawing undocumented OFW sa Saudi Arabia.Inihayag ito ni Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, matapos ibunyag ng pamangkin ng nasawing undocumented ofw na si Rey Jarden Bual na hinihingian sila ng konsulada ng Pilipinas sa Jeddah ng 137-thousand pesos na pambayad para sa repatriation ng labi ng kanyang tiyuhin.Sinabi ni Asec. Jose na kahit na undocumented si Bual, dapat pa ring alalayan ng embahada ang pamilya nito.Si Bual ay namatay sa Saudi Arabia dahil sa komplikasyon sa diabetes.Siya ay anim na taong nagtrabaho sa kingdom subalit tumakas ito sa kanyang employer dahil hindi binabayaran ang kanyang sweldo at overtime.
Facebook Comments