Ipinadala na ng Philippine Consulate sa New York ang lahat ng balota para sa mga rehistradong overseas voters.
Ayon sa konsulada, naselyuhan na nila ang 100% ng election packet na naglalaman ng balota upang magamit ng botante na nakatira sa Hilagang Silangang Amerika.
Ito ay sa kabila ng naranasang technical issue kamakailan kung naipit ang isa sa mga balota sa vote counting machines.
Labis ang pasasalamat ng konsulada sa suporta at pang-unawa ng Filipino community na naapektuhan ng aberya.
Nag-abiso naman ang Philippine Consulate sa New York na ipadala sa lalong madaling panahon ang accomplished ballot sa konsulada o di kaya ay magsadya nang personal sa kanilang tanggapan.
Dagdag nito, hinimok din nilang makipag-ugnayan kaagad ang mga botanteng hindi matatanggap ang kanilang election packet sa mga susunod na araw.