Philippine Contigent, hindi na i-eextend ang misyon sa Türkiye

Hindi na palalawigin ang misyon ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent sa Türkiye.

Ito ang kinumpirma ni Office of Civil Defense spokesperson Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV.

Ayon kay Alejandro, susundin nila ang plano ng pag-deploy sa Philippine rescue team sa Türkiye sa loob lamang ng dalawang linggo.


Aniya, mayroon pang isang linggo ang Philippine contigent bago sila bumalik ng bansa.

Samantala, sinabi pa nito na depende sa pasya ng Turkish govt kung ililipat ang Philippine rescue team mula Adiyaman Province patungo sa Hatay province sa nalalabi nilang isang linggong misyon.

Matatandaang nagpadala ang Pilipinas ng 82-man team sa Türkiye para tumulong sa search and rescue operations matapos itong yanigin ng magnitude 7.8 na lindol.

Facebook Comments