Philippine contingent na tumulong sa mga naaapketuhan ng lindol sa Myanmar, bibigyang pagkilala

Bibigyang parangal ng pamahalaan ang mga miyembro ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) na tumulong sa mga biktima ng lindol sa Myanmar mula April 1 hanggang April 13, 2025.

Kabilang din sa programa ang isang “after-action review” upang suriin ang naging operasyon, mga kinaharap na hamon, at mga nakamit na tagumpay ng grupo sa kanilang humanitarian mission.

Binubuo ang PIAHC ng mga tauhan mula sa Philippine Air Force (PAF), Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Health (DOH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Office of the Civil Defense (OCD) na nagbuklod upang maghatid ng agarang tulong sa mga apektado ng lindol sa Myanmar.

Layon nitong kilalanin ang kanilang dedikasyon, katapangan, at pagkakaisa na naging susi sa matagumpay na misyon.

Matatandaang tumama ang magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar noong March 28, 2025 kung saan hindi bababa sa 3,000 katao ang nasawi.

Facebook Comments