Philippine contingent sa Türkiye, darating sa bansa mamayang gabi

Babalik na sa bansa ang Philippine Inter Agency Humanitarian Contingent na ipinadala sa Türkiye.

Ito’y matapos ang matagumpay na dalawang linggong misyon ng Philippine contingent na tumulong sa mga biktima sa nasabing bansa na niyanig kamakailan ng magnitude 7.8 na lindol.

Matatandaang nitong Biyernes tinapos ng 82-kataong Philippine contingent na binubuo ng Urban Search and Rescue (USAR) team at Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT), ang kanilang operasyon sa Adiyaman.


Mula nang magsimula ang kanilang operasyon noong Pebrero a-10, narekober ng USAR ang 6 na labi mula sa 36 na bumagsak na straktura sa Adiyaman.

Samantala, nasa halos isang libong pasyente naman ang napagsilbihan sa field hospital na tinayo ng PEMAT, na kauna-unahang medical team na nakarating sa lugar matapos itong tamaan ng lindol.

Facebook Comments