Philippine Court of Arbitration Secretary General, nais magtatag ng Host Country Agreement sa Pilipinas

Nagpahayag ng interes ang Secretary General ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na si Dr. Marcin Czepelak na magtatag ng Host Country Agreement sa Pilipinas.

Ito’y para mapadali ang mga gagawing pagdinig ng PCA sa bansa.

Sa courtesy call ni Czepelak kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kinilala nito ang kontribusyon ng Pilipinas sa organisasyon lalo na sa kasalukuyang pamumuno ng bansa sa PCA Administrative Council.


Ito’y matapos mahalal bilang acting President ng administrative council ng PCA si Philippine Ambassador Eduardo Malaya.

Si Malaya ang unang Pilipino at ikalawang non-Dutch national na namuno sa PCA Administrative Council.

Ang pagbisita ni Czepelak ay bahagi rin ng selebrasyon ng ika-125 taon ng PCA na nagpataw ng desisyong pabor sa Pilipinas kaugnay ng agawan sa teritoryo sa pagitan ng China.

Isinumite rin ng Secretary-General ang kopya ng kanilang annual report sa pangulo.

Facebook Comments